Nudes in Mosaic

May 10, 2013 at 11:37pm
0 notes

Blue Notes.

There something in sad songs that make you feel a connection with the song’s story line. Especially when you’re sad. It suddenly sucks you right in. Into a story that is not completely yours. Maybe the connection was just a verse, a chorus, or even just a line. It hits you right in the spot and you begin to internalize the song. It feels like there is actually a song for you, for your situation. You then feel that you are not the only one experiencing this scenario. Sad songs actually make me feel better.

April 30, 2013 at 11:03pm
14 notes

I lived in a house, surrounded by family, but I know what it’s like to be totally alone.

— Harvey Spector

April 16, 2013 at 11:46pm
0 notes

Epilogue

Batang kalye si Lando nuong bata. Tuwing sasapit ang hapon ay makikipagkiskisan na ito sa dumi ng kanilang tapat bahay kasama ang kanyang mga katoto. Holen, tex, basketball at kung ano-ano pang mga laro. Tila ito ang mas may espasyo sa kakarampot na utak ni Lando. 

Sa isang paaralan sa kanilang pamayanan unang nagaral si Lando. Lumipat siya sa St. James College at doon nagtapos ng elementarya. Nakasabit siya sa mga nakapasok sa Quezon City Science HS at nairaos ang apat na taong pagloloko na may kaunting aral. Sumabit siyang muli sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang nagaaral doon. 

Hindi naman siguro matatawag na pagloloko kung ikaw ay may natututunan. Maraming natutunan si Lando sa kanyang maikling taon ng pamumuhay sa mundo. Karamihan ay hindi magagamit sa kapakipakinabang na mga gawain.  Musika ang pumupuno sa kalahati ng kokote ni Lando. Una hawak niya ng gitara noong nasa ika-6 na baitang siya - at wala na siyang balak bitawan ito. Ito ang kanyang alak, ang nagpapasaya sa kanya, ang nagpapalimot sa mga problemang bumabayo sa pagkatao niya. Babae ang turing niya sa kanyang gitara. Iniingatan at laging may oras para sa isa’t isa.

Hindi iisa ang mga naging Elsa ng buhay niya.  Dumadating ito sa mga sandaling hindi niya inaasahan at madalas mawawala na lang ng parang bula. Masaya at hinahanap hanap ni Lando ang mga yakap ng bawat Elsang dumadaan sa buhay niya. Ngunit madali rin itong mawala sa oras na makaramdam siya ng ibang yakap. Sakit niya ito napilit na niyang binabago. May mga nasaktan ay may mga nanakit. Lahat ito ay kasalanan ni Lando. At sa bawat pagkakataong aalis si Elsa, Kukunin ni Lando ang kanyang tasa at iinom ng kape. Magpapagising.

Kailangan mo nang gumising Lando

Sa katotohanan ng Buhay.

4:08pm
0 notes

Luha

I. II. III. IV. V.

Hindi na makuhang mabasa pa ng damit ni Lando sa dami ng sinalo nitong ulan at pawis. Ibang pasugalan ang kanyang napasukan. Kulay puti ang mga pader at maraming kama. Madalas ay lalabas kang buhay, pero pag minalas ka, sa libing mo na ang susunod na balasa ng baraha. Nakahiga si Elsa sa isa sa mga kama doon.

Namimilipit. Nagdudugo.

Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng pawis habang hindi mapakali si Lando. Nanginginig na nakaupo sa isang tabi. Mahigpit na magkakapit ang kanyang mga kamay habang naghihintay na may lumapit sa kanya. 

Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas din ang pinto. Nakayukong lumabas ang duguang lalaki at tumingin kay Lando. Pumasok siya sa silid. Humihikbi na si Elsa habang nakahiga pa sa kama. May bakal na lamesa sa gawing kanan. May nakapatong ditong manika. Kapansin pansin ang hawig nila ni Elsa. Kinuha niya ito at dinala sa tabi ni Elsa. 

Sa mata na galing ang mga butil ng pawis ni Lando. Pumapatak isa isa sa pisngi ng bagong babae sa buhay niya. 

Isabella

April 14, 2013 at 7:21pm
0 notes
Stellar leaves

Stellar leaves